Archive for the Poetry Category

Nasaan Ka Na Kaya?

Posted in Poetry on March 11, 2008 by niennavarda

Ang sumusunod na tula ay likha ng isa sa mga pinaka-astig at pinaka-talentado kong kaibigan na itatago ko na lamang sa pangalang flipflop. Isa siya sa mga nakapag-inspire sakin sumulat kaya sana ipagpatuloy niya lang ang kanyang nasimulan.

Hahaha, mukhang obvious na obvious na yata kung sino siya, ah, hehehe. Anyway, I did my best to keep your identity 😉

Malamang naglalakad, tumutunganga,
nakatingin sa malayo, lumilipad ang isip,
wala sa sarili, nakasanayan na ang pagmumuni-muni.

Malamang mugto pa rin ang iyong mga mata,
hindi na talaga nagsawa sa pag-iyak,
kulang na lang ubusin na ang lahat ng luha sa katawan.

Malamang parati kang natitigilan,
naaalala mo ang mga panahong nagdaan,
naiisip mo ang ating mga kasiyahan at kalungkutan.

Malamang nilulunod mo ang sarili mo sa trabaho,
o di kaya ibinubuhos mo sa iba ang buong atensyon
para unti-unti at dahan-dahan kang makalimot.

Malamang, siguro, yan ang drama ng mga hindi sigurado.
Malamang, hanggang ngayon, iniisip mo pa rin ako,
siguro nangungulila ka rin kagaya ko.

Pero pwede rin namang hindi pala,
hindi na ako sumasagi kahit saglit sa isip mo.
Malamang ako lang pala ang nawawala.

Nasaan ka na kaya?

Malamang nakalimot ka na.

Panalo tong mga linyang to:

Pero pwede rin namang hindi pala,
hindi na ako sumasagi kahit saglit sa isip mo.
Malamang ako lang pala ang nawawala.

Waaaah! Tagos sa dibdib :((

Advertisements