Ayan, Nasabi Ko Na… Mahal Kita

At minsan ko na nga lang gagawin ang ganitong klaseng bagay sa buhay ko, di ko pa linubus-lubos. Ano ba naman yung pagkatapos kong sabihin ang nararamdaman ko ay bigla na lang akong nagsisitakbong palayo. Ni hindi ko man lang hinintay ang sasabihin mo. O kung wala ka mang sasabihin sana tiniis ko na lang ang pagkabog ng dibdib ko, ang pangangatog ng tuhod ko para aralin kung ano ang ibig sabihin ng ngiting napintura sa mukha mo pagkatapos kong magsalita. O kaya, sana tumitig na lang ako sa mata mo at baka nakahanap pa ako ng kahit konting ideya kung ano ang nilalaman ng isip mo. Pero hindi. Hindi ko yun nagawa. Napakaduwag ko.

Hindi ko rin alam kung bakit huhugot na rin lang ako ng lakas ng loob mula kung saan mang kaibuturan ng pagkatao ko, hindi ko pa inayos ang pagdeliver ng speech ko. Ewan ko ba. Nung pina-practice naman namin yan ng kaibigan ko nung gabi bago ang tinakdang araw, cool naman ang dating ko, parang whatever lang. Pero hindi ko talaga alam kung bakit nang nagsalita na ako sa harap mo, nauutal na ako, naghy-hyperventilate at daig ko pa ang nagkaroon ng severe allergic reaction sa pakiramdam ng pagkakapal ng dila ko. Yan tuloy, ang jologs ng speech ko. Ang jologs-jologs ko. Cool pa naman ako. Well, sabi ng iba at minsan feeling ko rin papasa na. Pero hindi ako cool kung nandiyan ka. Nagsho-short circuit ang utak ko. Kaya siguro mula nang makilala kita ang dami nang sumabog na neurons ko. Oo at ganun din ang pakiramdam ko, isang powered-on circuit board na binuhusan ng malamig na tubig.

At bakit nga ba, magtatapat na rin lang ako hindi ko pa ninamnam ang pagpapadulas sa dila ng mga salitang nagmamahal ako. Sana sinabi ko na rin na mula nang matuklasan kong mahal kita, napukaw ang damdamin kong paghusayan ang lahat ng ginagawa ko, ayusin ang buhay ko, iwanan ang mga bisyo ko, maging isang mabuting tao at maging magaling katulad mo. Pero milliseconds lang ata ang inabot ng lahat. Nagmamadali akong lumayo. Hindi ko kaya ang titig mo. Lalo kaya’t hintayin ang sasabihin mo.

At ngayon, tapos na. Nakapagsabi na ako. Nasabi ko ring hindi ko kailangan ang sagot mo. Hindi ko kailangan ng sagot at hindi ako nagaantabay. Hindi ko lang siguro maalis sa utak ko kung ano ang nasa isip mo. Manghuhula na lang siguro ako o mag-aantay. O di kaya palilipasin ang panahon hanggang mawala ito. Kung mawawala nga ito. Ang mahalaga, ayun, nasabi ko na… mahal kita. At least ngayon alam mo na.

40 Responses to “Ayan, Nasabi Ko Na… Mahal Kita”

  1. Napatag-surf lang rito. Pero alam mo, totoo yun, no?–na pakiramdam mo gusto mong umayos. Sana malaman mo rin ang sagot nya. At sana pareho ng iyo. 🙂

  2. 🙂

  3. @yel, salamat sa pagbisita sa site 🙂

    oo bihirang tao lang ang nakakapagbigay sayo ng ganyang inspirasyon, di lang na ayusin ang buhay mo kundi pati na rin ang pagiging best sa lahat ng aspeto ng buhay mo.

    hehe, iniisip ko nga hanggang ngayon kung gusto ko rin malaman ang sagot niya lalo na kung negative ang sagot. minsan oo, minsan hindi. pero wala naman akong expectations. ang tunay na pagmamahal walang expectations 🙂

  4. @emENem, 🙂 rin sayo

  5. Nye. Walang expectations? Syempre meron. In love ka nga!

  6. @yel, siguro nga 😛 hehehe.

    dapat walang expectations o at least kaya mong i-control na hindi ka ma-overcome ng expectations mo 😛

  7. Sabihan mo ako pag nalaman mo na ang sagot, ha! Good luck! Bwisit kasi talaga yang mga script na yan, pinaniwala tayo ng mga pelikulang pwede silang sabihin kahit di tayo artista 😦

  8. @yel, hehe, malamang kung dumating man ang araw na makatanggap ako ng sagot, whether positive o negative, magsusulat ako tungkol dun 🙂 bisita ka lang sa blog ko.

    hahaha, at oo pangpelikula nga ang script ko. pero di naman dapat kasing jologs dapat di tulad ng pagkakadeliver ko :))

  9. amfufufuf :))

    oh well, at least it’s out in the open na. 😉 kudos. kahit papano ang tapang mo pa rin 🙂

  10. wehehehe, oo amfufunezzz 😛

    akala ko talaga kailangang lasing ako o high sa drugs para magawa ko yun. kaya ko naman pala 😀

    at kung kaya ko dapat kaya rin ng ibang tao diyan divah? 😉

  11. karenkulit Says:

    kahit artista, nakaka-ilang take bago nakukuha ang gusto ng direktor na ipalabas sa pelikula 😉

    congratulations! isa ka ng dakilang mananapat ng pag-ibig. kunsabagay, d mo nmn sinabing wagas ang pag-ibig mo o kaya man na inaalay mo ang pag-ibig mo…. kaya panahon lang ang makakapagsabi…

    saludo ako sayo! sinagot mo ang tawag ng iyong damdamin! =)

  12. @karen, maraming salamat! >:D<

    oo di ko naman sinabing mahalin niya rin ako 😛 sinagot ko lang ang tawag ng aking damdamin!

  13. oozingsexy Says:

    Nakailang take na ba ako Direk? Kamilyon times ko nang narinig ang script na itech! Wahahahha!

    Yung last paragraph parang monotone rap nung “Deadma” na kanta. Wahahaha! Katono eh nung binabasa ko sa utak ko. Pwede syang adlib nung song na “Aftermath Deadma” kase after ka nagtapat tsaka pa kayo nagdedeadmahan. WTF?! di ba? It’s so amfufu. I cannot tekaluchi of the mga pangyayari.

    I love you Niennavarda! Whatever will be ay que sara. Ayon nga sa tatay ni Calvin, this builds character.

  14. wahahaha, mahal din kita oozingsexy! ano, gawan natin ng rap o kanta yung script na ginawa natin? 😀

    at yang character building thing na yan… walang kamatayan! kelan kaya matatapos ang pagbuild ng character?
    😛

  15. madame! sino itech na nagpajologs sayo?!? 😀

    migraine ba? :p
    cool ka pa rin kahit jologs! 😛

  16. wehehehe, shneeecret :”>

    at oo migraine talaga…

    “Nahihilo, nalilito
    Asan ba ko sayo?
    Asan ba ko sayo? ”
    😛

    pero pramis, nakakajologs ang pag-ibig 😛

  17. sabi nga ng parokya:

    It’s hard not to sound corny when you’re
    Singing from the heart…

    hehe

  18. wahaha, pero meron din akong nabasa somewhere na the corniest things are the things that matter most 😛

  19. i bet you’re quoting a hopeless romantic. hahaha :p

  20. wahahaha, naku pag nauntog ang ulo ko at natauhan, sana di ko pagsisihan ang mga pinagsasabi ko :))

  21. let’s build character! walang katapusan ang letsugas na pag-bi-build ng character!

    (on to other things — madame, helf!)

  22. @kilcher wehehehe… oh noh! more character building to come 😛

    helf saan, sith lord?

  23. “isang powered-on circuit board na binuhusan ng malamig na tubig”
    parang taga-EEE yang napagsabihan mo a?!:D galeng, i admire the courage. dapat ganyan tinats!:D

  24. hi mach! salamat, salamat sa pagbisita at pag-commend sa ginawa ko. mas lalong lumalakas ang loob ko. nabubuhayan ang loob kong ipagpatuloy itong nararamdaman ko kahit mukhang imposible na talaga itong masuklian dahil sa dami ng bulilyaso na nagagawa ko pag nandiyan siya.

    actually di pa nga ako ganun katapang, kasi kung matapang talaga ako ako, linubos-lubos ko na yung moment at sinabi ko na sa kanya lahat ng nyornyor na sinulat ko taas. at sana kung mas malakas ang loob ko kaya kong makipagbiruan at makipag-usap sa kanya ng masinsinan kahit maraming taong hindi ko close ang nakapaligid sa amin. 😦

    heniway, nope di siya taga-EEE 😛 wahahaha

    pero mach :(( kung alam niya lang mahal na mahal ko talaga siya :(( waaaaaaah!

  25. bubblesofjoyandsorrow Says:

    waaah ate… hehe… nanamnam ko ung entry mo a… hehe haaay. galing! hehe wala ako masabi…. hindi ko alam paanu mo sinabi un saknya…. at tumakbo ka nga? hehe 🙂 at least nasabi mo nga.. bahala na nga lang sya…. haaay haaay. 🙂

  26. hoy mach baket naman ako nasali dito? hahaha.

  27. hello bubblesofjoyandsorrow! salamat sa pagbisita.

    haha, parang pelikula. isipin mo na lang :))

    at ok lang naman kahit wala siyang sagot o kahit dumating pa yung panahong sabihin niya na ayaw niya sa akin. wala naman akong expectations sa kanya. masaya na ako kahit makita lang siya from afar. (waaaaah, ang jologs talaga X_X)

  28. @tinats, kasi kung kaya ko, kaya mo rin 😀

  29. ahaha baket at para saan ko naman gagawin yan aber? :))

    on second thought, wag mo sagutin yang mga tanong ko :p i-ym mo na lang sa kin :))

  30. wahahaha, muntik ko na masagot kung di ko lang nabasa yang second sentence mo :))

    ang masasabi ko lang ay… duh!

    :))

  31. psssttt… hehehe uuuyyy sinu yun…. i just wish na talaga na me skype ako at mkpgkwentuhan tayo… hahaha

  32. wehehehe, shneeecret 😛

    pero sige someday kwento ko sayo 🙂

  33. duh ka rin ahaha :p

  34. you go girl! Haha

  35. hehe, tenks, vanishwa!

    yun nga lang mukhang kelangan ko na siya kalimutan… huhuhu

    pero di ko pa kaya :(( waaaaah

  36. reklamadorangauditor Says:

    ngaun ko lang nabasa post na to, pero feel ko pa rin magcomment…hehe! i did the same thing [pag-amin ng nararamdaman], kababae kong tao…sana hinintay mo reaction nya para wala ng hulaan! hehe! ako, NR ang inabot! hehe =)

  37. @reklamadorangauditor

    sobrang sorry sa late reply at maraming salamat sa pagbisita ng blog na ito 🙂

    sa pinas talagang may stigma pag babae ang nagtatapat sa lalaki, ano? ewan ko ba. dito kasi sa japan baligtad. yung mga babae ang halos nagtatapat sa lalaki 😛 so i think i’m in the right country 😛

    anyway, masaya tong experience na to at mas masaya kasi may nakakarelate sa akin 🙂

  38. weew!!!

    xobrang nakakarelate naman ako sau!! ung sakn is obsexon pa nga! yung araw2 xa lang ung naiisip ko. and i just cudn’t sleep until the wee hours because of one thing: thinking of her. tsk

    well, i must admit, am not quite xur if that was love or infatuation. Either way, nakakrelate talaga ako sa blog mo. And so, i will be using your blog (citing of course your name and profile) para sa project namin sa Filipino.

    god bless!

    😎

  39. @clyde

    maraming salamat sa pagbisita sa blog ko. nakakatuwa na may nakakarelate sakin 🙂
    sana magustuhan rin nga mga classmate mo ang blog na ito 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: