Ang aking pagsusulat at kalungkutan

Bakit kaya ako di nagsusulat kung masaya ako. Bakit motivated lang ako magsulat kung malungkot ako? Sayang naman. Makakalimutin pa man din ako. Sa lagay na to mas marami akong maalalang malungkot na bagay. Addicted ba ko sa lungkot? Hehe. Di naman siguro. Masarap lang sigurong kausapin ang sarili kung nalulungkot. At sino pa nga ba ang makakaintindi sakin kundi ang sarili ko diba?

Napansin ko marami akong gustong isulat kung nalulungkot ako. Kung masaya naman ako, kuntento na lang akong tumawa, ngumiti at mang-alaska. Walang puwang ang utak ko at puso ko para magsulat. Parang tila ang gusto ko lang i-document sa buhay ko ay yung mga malulungkot na bagay. Hindi naman siguro yun dahil yun lang ang mga bagay na gusto kong maalala.

Ang sarap lang siguro talagang magsulat. Lalo na’t alam kong wala namang makakaintindi sa aking kalungkutan. Ang sarap magbuhos ng angst. Ang sarap ng pakiramdam na walang sumasabat sayo. Walang nagsasabing hindi dapat ganyan ang nararamdaman mo. Pwedeng kang maging totoo. Pagkakataon mong maging honest sa sarili mo.

Nagsusulat ako dahil malungkot akong tao.

6 Responses to “Ang aking pagsusulat at kalungkutan”

  1. kaya siguro most professional writers have a reputation of being weird. or artists siguro in general. hehe.
    siguro ganun lang talaga. most good materials comes from the bowels of your emotions. or that misery likes company and that in writing you share your frustrations with whom ever is willing to listen.
    what i heard is english daw is the language of despair. and true enuf i do find myself writing in english when emo-ing.
    but for me nothing beats reading a really good tagalog rant šŸ™‚

    sa pagsulat hawak mo ang kapangyarihan para marinig ng iba ang nais mong sabihin. walang pipigil sa iyo, dahil ito ang iyong sariling mundo.
    at maaaring diko naiintidihan ang iyong kalungkutan pero hindi ibig sabihin nito na hindi kita pwedeng damayan.

  2. awww… salamat dude! it’s so comforting to know na may nakakaintindi sayo. miss ko na rin ang pagsusulat mo. isa ako sa mga nakikinabang sa nuggets of wisdom na naisusulat mo. sana makapag-update ka na rin. i’m so looking forward to it šŸ™‚ miss na rin kita grabe! hehe… malamang marami tayong makukuwento sa isa’t isa šŸ™‚

  3. honga eh. sayang we weren’t able to meet. teka, you know my new blog? link ko na lang sa name ko. eniwei, next week ha. lunch na lang sumwer sa congressional ulit šŸ™‚
    words of wisdom ba? hehe. most of it is useless rant dahil sa depression. haha. trying to alleviate the heavy burden of emptiness. but then again, there are other sources of hapiness. sabi nga ng nat geo founder there are more than one form of love sa mundo. or sumthing to that effect, diko maalala exact quote eh. hehe.
    ttfn.

  4. huwaw, may ganitong mundo ka pala, hindi mo sinasabi sa akin. kung hindi dahil sa link-back feature ng WP hindi ako mapapadpad dito.

    naiintindihan ko ang nararamdaman mo — sa pagsusulat, hindi yung kalungkutan mo. may panahong gustung-gusto mong magsulat pero dahil masaya ka hindi mo na alam kung saan ka magsisimula. walang oras, letchetera, letchetera.

    patungkol naman sa kalungkutan, iba-ibang lebel yan. may mga tao talagang malalim ang pinaghuhugutan ng emosyon.

    ang gulo ko hehehe. pero kung gusto mo ng ka-diskusyon tungkol sa pagiging emotikon, parati naman akong online sa ym, buzz ka lang. baka marami rin akong ma-i-share sa yo. at baka makatulong ka sa aking project tagalog :p

  5. hehe, oo marami kasi akong tinatago. nasa loob ang kulo ko šŸ˜› hehe.

    pero naiinspire mo ko magsulat. it takes a certain kind of courage to be able to write the things you do. sana matuluran kita. hehehe

    sana marami pa akong mapulot na nuggets of wisdom sa’yo. sana kahit papaano may mga mapulot ka ding kalokohan sa akin šŸ˜€

  6. wahaha. oo marami akong mapupulot sa yo. kaya pagdating dito, simulan natin sa session ng sake para sa yo at oolong tea para sa akin (bawal sa alak booooo). ako kung saan-saan lang pumupulot ng topic eh. pag bigla na lang tumunganga, ayun na meron na.

    magsulat ka pa madam. wala namang mawawala eh, di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: