Pero sa ngayon, kailangan ko munang umiyak. Hanggang ngayon di ko pa rin kayang patigilin ang pagpatak ng luha ko. Napaka-ironic nga naman ng buhay. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.
Ang dami-dami kong sinayang na panahon. Kung anu-ano ang iniisip. Walang ginagawa. Sana maaayos ko pa ang mga pagkakamaling ginawa ko. Sana mabawi ko pa.
Kaya ayoko na magnyornyor. Ayoko na mag-isip. Gagawin ko na ang mga bagay-bagay na dapat matagal ko nang ginawa. Magiging totoo na ako sa sarili ko. Pati na rin sa ibang tao. Nasa kamay ko ang kasiyahan ko.