Natsu Yasumi (August 16): BRFC sa Japan!
Ang mga ka-kosa ko sa CELda, ang mga Batang RF Cage ay nasa Japan! Ano pa ang gagawin namin kundi maglakwatsa? Namiss ko na rin ang mga ito na kasama ko sa hirap at ginhawa sa thesis at pag-overnight sa lab
Sino ang kumuha ng EPROM ko?
Dahil geek kami, first stop, Akihabara, kung saan kumain kami ng steak sa Pepper Lunch at nagtingin ng kung anu-anu-ano
Picture-picture on our way to the Imperial Palace to visit the Queen… errr, Emperor. Hahaha. Ang jologs namin pero ang saya!!!
Imperial Palace!!! Sa labas lang. Apparently twice a year lang binubuksan ang Imperial Palace, tuwing Birthday ng Emperor at New Year.
At makukumpleto ba naman ang Tokyo tour nang di pumupunta sa Tokyo Tower?
Ito rin ang araw ng pagbalik ni Elai sa Tottori at hinatid namin siya ni Tinats sa Shinagawa. Awww… mamimiss ka namin, Elai! Balik ka, ha, o ako naman ang pupunta sa Tottori.





August 31, 2008 at 7:53 pm
wahaha, so sino nga ba ang nandekwat nung EPROM mo?
)
August 31, 2008 at 9:55 pm
wahahaha, baka taga ibang lab di kaya?
)