Bakit kaya ako di nagsusulat kung masaya ako. Bakit motivated lang ako magsulat kung malungkot ako? Sayang naman. Makakalimutin pa man din ako. Sa lagay na to mas marami akong maalalang malungkot na bagay. Addicted ba ko sa lungkot? Hehe. Di naman siguro. Masarap lang sigurong kausapin ang sarili kung nalulungkot. At sino pa nga ba ang makakaintindi sakin kundi ang sarili ko diba?
Napansin ko marami akong gustong isulat kung nalulungkot ako. Kung masaya naman ako, kuntento na lang akong tumawa, ngumiti at mang-alaska. Walang puwang ang utak ko at puso ko para magsulat. Parang tila ang gusto ko lang i-document sa buhay ko ay yung mga malulungkot na bagay. Hindi naman siguro yun dahil yun lang ang mga bagay na gusto kong maalala.
Ang sarap lang siguro talagang magsulat. Lalo na’t alam kong wala namang makakaintindi sa aking kalungkutan. Ang sarap magbuhos ng angst. Ang sarap ng pakiramdam na walang sumasabat sayo. Walang nagsasabing hindi dapat ganyan ang nararamdaman mo. Pwedeng kang maging totoo. Pagkakataon mong maging honest sa sarili mo.
Nagsusulat ako dahil malungkot akong tao.